Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin
Hinahanap pa rin ng Philippine Air Force (PAF) ang nawawalang pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela kamakailan.
Sinabi ng PAF, pinalipad nila ang Sokol helicopter nitong Sabado patungo sa pinagbagsakan ng nasabing eroplanong may registry No. RP C1234 at pag-aari ng Fliteline Airways.
Ang grupong nagtungo sa lugar ay binubuo ng ng dalawang tracker dog, apat na handler, anim na rescuer at isang radioman.
Pakay ng grupo na mahanap si Erma Escalante na kasama ng pilotong si Capt. Levy Abul II nang bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano sa kagubatang bahagi ng Barangay Casala, San Mariano, Isabela nitong Nobyembre 30 ng umaga.
Patay na si Abul nang matagpuan ng mga rescuer nitong nakaraang Huwebes.
Umaasa naman ang mga awtoridad na buhay pa ang pasahero matapos matagpuan sa crash site ang isang silungan na gawa sa pira-piraso ng nawasak na eroplano.
Matatandaang umalis sa Cauayan Airport ang eroplano dakong 9:39 ng umaga ng Nobyembre 30.
Gayunman, hindi na ito nakapag-landing sa nakarating Palanan Airport.