![Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas](https://cdn.balita.net.ph/wp-content/uploads/2023/12/Screenshot-2023-12-09-180843-3.png)
(PCG File Photo)
Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas
Kinondena ng National Task Force West Philippine Sea (NTFWPS) ang pambobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsagawa ng regular humanitarian at support mission sa mahigit 30 Filipino fishing vessels malapit sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) nitong Sabado.
Kabilang sa mga naging biktima ng pag-atake ng CCG ang mga barko ng BFAR na Datu Sanday, Datu Bankaw, at Datu Tamblot.
Sa report na natanggap ng NTFWPS, nasa 1.4 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc ang mga barko ng BFAR nang lapitan sila CCG kasabay ng pambobomba ng tubig upang hindi makalapit sa mga bangkang pangisda ng mga Pinoy na naghihintay ng oil subsidy at grocery packs.
Bukod dito, tumulong din ang Chinese Maritime Militia vessels sa pagharang sa mga barko ng BFAR sa pamamagitan ng mapanganib na pagmamaniobra at pagpapakawala ng nakabibinging ingay mula sa Long-Range Acoustic Device (LRAD) nito.
Kinondena rin ng task force ang pagpapakalaw ng Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) ng CCG upang itaboy ang mga mangingisdang Pinoy na naghihintay na mabigyan ng fuel subsidies at food supplies mula sa BFAR vessels.
"We stress that Bajo de Masinloc is a high-tide feature with territorial sea, per the 2016 Arbitral Award. It forms an integral part of the Philippine national territory under the Constitution. The Philippines exercises sovereignty and jurisdiction over the shoal and its territorial sea. The 2016 Arbitral Award has also clarified that Filipinos have traditional fishing rights in the water of Bajo de Masinloc protected by international law," pagdidiin ng task force.
"China's illegal exercise of maritime law enforcement powers, interference with Philippine vessels, harassment and intimidation of Filipino fisherfolk, or any other activity that infringes upon the Philippines' sovereignty and jurisdiction in Bajo de Masinloc are violations of international law, particularly UNCLOS and the Arbitral Award. We firmly insist that these Chinese vessels leave Bajo de Masinloc immediately," dagdag pa ng NTFWPS.