
(đ¸: House Press and Public Affairs Bureau)
TWG chief ng BFP-bids and awards committee, ipinasisibak dahil sa umano'y irregularidad
Ipinasisibak sa pagiging pinuno ng technical working group ng Bureau of Fire Protection (BFP) bids and awards committee (BAC) ang isang opisyal ng ahensya dahil sa umano'y irregularidad sa bidding at pagbili ng mga fire truck kamakailan.
Mismong si House Committee on Public Order and Safety chairman Santa Rosa City (Laguna) Rep. Dan Fernandez, ang humiling sa BFP na tanggalin na si Fire Supt. Jan Lunas bilang head ng TWG matapos matuklasang ang biniling sports utility vehicle (SUV) nito ay nakarehistro sa isang empleyado ng isang kumpanya na madalas manalo sa bidding para sa pagbili ng mga truck ng bumbero ilang taon na ang nakararaan.
Isinagawa ang imbestigasyon ng nasabing komite sa "kuwestiyunableng" bidding process ng BFP para sa pagbili ng mga fire truck kamakailan.
Inamin ni Lucas na bumili ito ng SUV na nakarehistro sa kawani ng F. Cura Industries.
âSo, the reason why we were asking for his removal, kasi nga, naco-compromise âyung kanilang decision bilang siya 'yung technical working group chairman sa bidding process," anang kongresista.
Sa ilalim ng Government Procurement Reform Act, ipinagbabawal ang pakikipag-usap sa mga bidder kaugnay sa evaluation ng kanilang bid hanggang sa mailabas ang Notice of Award.
"Ang aming request dun, 'wag na muna nila ituloy (âyung bidding). Ayusin muna nila âyung process ng bidding nila ulit kasi nga, dahil nga tainted na iyon, compromised na iyong decision doon dahil chairman siya (Lunas), so they have to review it," sabi pa ng mambabatas.
Kaugnay nito, tiniyak ni BFP chief Louie Puracan na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa usapin.
PNA