Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw, Disyembre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:27 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 74 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 12 kilometro.

Naiulat ang Intensity I sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.