Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • April 29, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

    BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

    By
    Balita Online
    December 08, 2023
    In
    BALITA National
    BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan
    (Manila Bulletin File Photo)

    BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

    By Balita Online
    December 08, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Muling binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga online scammer ngayong Kapaskuhan.

    Partikular na inalerto ng BOC ang mga nagsa-shopping online dahil sila ang madalas biktimahin ng mga manloloko.

    “Verify if the named courier is in the list of the Department of Trade and Industry's Accredited Courier/Seafreight Forwarders: https://www.dti.gov.ph/konsyumer/accredited-seafreight-forwarders/,” anang BOC.

    Paliwanag ng ahensya, madalas na nagpapanggap na mga kinatawan ng BOC ang mga scammer upang makumbinsi ang mga mamimili na magbayad ng clearance fee at ipinadedeposito ito sa personal bank account, mobile wallet o sa money remittance center.

    Idinagdag pa ng BOC, binabayaran lamang sa ahensya o sa mga accredited bank ang mga buwis ng mga parcel o package bago i-deliver sa mga consignee.

    Inabisuhan din ang publiko na sakaling makatanggap ng kahina-hinalang mensahe online, i-report ito sa mga sumusunod:

    -- Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, Col. Lagman St., Bagong Lipunan ng Camp Crame, Quezon City; o tumawag sa  Complaint Action Center hotline 0998-5988116; https://www.facebook.com/anticybercrimegroup.

    -- Department of Justice - Office of the Cybercrime, 3rd Floor, De Las Alas Bldg., Department of Justice, P. Faura St., Ermita Manila; DOJ website: www.doj.gov.ph: e-mail address [email protected].

     

    PNA

    Inirerekomendang balita

    QCPD, iniimbestigahan insidente ng pamamaril sa QC

    QCPD, iniimbestigahan insidente ng pamamaril sa QC

    Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang naganap na insidente ng pamamaril sa Timog Avenue corner EDSA, Barangay South Triangle, Quezon City, nitong Martes, Abril 28.  Ayon sa pahayag ng QCPD, bandang 4:10 PM naganap ang pamamaril, kung saan pagdating ng personnel ng Kamuning Police Station 10 sa lugar na pinangyarihan ng insidente, isang biktima ang natagpuan nilang...

    ‘EASY 10K!’ Mga tinuling 20-anyos pataas sa Cebu, binigyan ng cash incentive

    ‘EASY 10K!’ Mga tinuling 20-anyos pataas sa Cebu, binigyan ng cash incentive

    Masayang sinalubong ng pagbati at cash incentives ang dalawang lalaking mula sa Mactan, Cebu, dahil lamang sa pagpapatuli.  Sa Facebook post ni Lapu-Lapu City Rep. Junard “Ahong” Chan nitong Martes, Abril 28, ibinahagi niyang tig-₱10,000 ang natanggap ng mga lalaking sina alyas “Mark” na 26 taong gulang at “John” na 27 taong gulang matapos ang pagtutuli sa kanila.  Ani Chan, ang...

    'It's not his desire!' Sen. Alan, dinepensahan si Sen. Bato sa 'di pagpasok sa Senado

    'It's not his desire!' Sen. Alan, dinepensahan si Sen. Bato sa 'di pagpasok sa Senado

    Ipinagtanggol ni Sen. Alan Peter Cayetano si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na tila katanggap-tanggap naman umano ang dahilan ng huli kung bakit hindi ito pumapasok sa Senado.  Ayon sa naging pahayag ni Cayetano sa isang ambush interview ng media nitong Martes, Abril 28, 2026, sinabi niyang hindi naman “by desire” o mula sa kagustuhan ni Dela Rosa ang pagliban niya sa mga sesyon ng Senado....

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Ano ang sakit na ‘parvo’ at paano ito maiiwasan?

    April 28, 2026

    FEATURES

    2

    KILALANIN: Sino si Mars Ravelo?

    April 28, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Mga senyales na nakararanas na ng ‘burnout’ sa trabaho

    April 27, 2026

    FEATURES

    4

    ALAMIN: Paglago ng ekonomiya sa bawat rehiyon sa Pilipinas noong 2025

    April 27, 2026

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Nakamamatay ba ang paghilik?

    April 27, 2026

    FEATURES

    6

    KILALANIN: Si Manases Carpio, mister ni VP Sara Duterte

    April 27, 2026

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Sino ang pumatay kay Lapulapu?

    April 27, 2026

    FEATURES

    8

    ALAMIN: Sino si Alyssa Alano at bakit siya napatay sa engkuwentro ng militar at armadong grupo sa Negros Occidental?

    April 27, 2026

    Opinyon

    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’ Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Ang apat na boses na ating naririnig Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo Semana Santa: Ang makilala si Kristo at lubos pa Siyang makilala Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita