Patuloy ang pag-iral ng northeast monsoon o amihan at easterlies sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Disyembre 8.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, posibleng makaranas ng maulap na kalangitan ng may kasamang katamtamang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dulot ng amihan.

Wala naman umanong matinding epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Samantala, ang easterlies o ang mainit na hanging nanggagaling umano sa karagatang Pasipiko ang posibleng magdala ng maalinsangang panahon na may kasamang saglit na mga pag-ulan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Eleksyon

Tito Sotto, bet umukit sa kasaysayan bilang unang senador na naihalal sa ika-5 termino

Inihayag din naman ng PAGASA na posible ring magdulot ang thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan ay wala naman umanong binabantayan ang PAGASA na low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).