Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng umaga, Disyembre 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:33 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 43 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 21 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa Hinatuan, SURIGAO DEL SUR.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Naitala naman ang Instrumental Intensity II sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.