Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Biyernes, Disyembre 8 na non-working holiday dahil sa Pista ng Immaculate Conception.

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa "9" at "0" ay hindi na muna huhulihin sa naturang petsa.

Ipinatutupad ang number coding dakong 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Hindi kasama ang Makati City sa nagkansela ng number coding na ipinatutupad simula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi sa naturang lungsod.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!