Isang magnitude 5.2 na lindol ang tumama sa Surigao del Sur nitong Huwebes ng tanghali, Disyembre 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:45 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 75 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 6 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - City of Tandag, SURIGAO DEL SUR

Intensity I - City of Bislig, SURIGAO DEL SUR; Nabunturan, DAVAO DE ORO; City of Gingoog, MISAMIS ORIENTAL

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.