Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Agusan del Norte nitong Huwebes ng hapon, Disyembre 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:42 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Las Nieves, Agusan del Norte, na may lalim na 42 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.