Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Surigao del Sur nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 6.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol bandang 4:33 ng hapon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang epicenter ng pagyanig ay sa Cagwait, Surigao del Sur na may lalim na 10 kilometro.

Dagdag pa ng ahensya, walang inaasahang pinsala at aftershocks sa naganap na lindol.