Malaki raw ang posibilidad na manalo bilang “Best Actor” si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa darating na Metro Manila Film Festival 2023.

Sa latest episode ng Marites University nitong Martes, Disyembre 5, napag-usapan nina Rose Garcia, Ambet Nabus, at Jun Nardo ang tungkol dito.

Pang-international daw kasi ang dating ng pelikulang gaganapan ni Piolo na may titular character na “Mallari.”

Tungkol ito kay Father Severino Mallari na tinaguriang first documented serial killer sa Pilipinas.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Sa katunayan, idi-distribute pa nga raw ng motion pictures at entertainment company na Warner Bros. ang nasabing pelikula. 

Sey tuloy ni Rose: “Alam n’yo ramdam ko, ha, mukhang maraming medyo nate-threatened kay Piolo Pascual. Kasi nga, ang bongga talaga ng character niya. Kumbaga, ang lakas-lakas ng laban for Best Actor’.”

“Hindi ito opinyon ng Marites University pero para sa akin, mukhang siya ang mananalong ‘Best Actor’,” segunda pa ni Ambet.

Matatandaang kasama sa sampung pelikulang itatampok sa MMFF 2023 ang “Mallari” ni Piolo.

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na