Matatapos na sa Huwebes, Disyembre 7, ang iniaalok na libreng HIV (human immunodeficiency virus) ng Quezon City government.

Pinutakting pagbati ng Misamis Oriental governor kay Pope Leo XIV, inihingi ng tawad

Ito ang abiso ng QC Health Department nitong Miyerkules kasabay na rin ng panawagang samantalahin na ang nasabing libreng serbisyo ng pamahalaang lungsod.

Sa social media post ng city government, ang free HIV testing ay iniaalok sa QC Hall at QC Health Office bilang bahagi ng paggunita nito sa World AIDS Day ngayong 2023.

Nitong Miyerkules, 72 inibidwal ang sumailalim sa Voluntary Counseling at Testing (VCT) sa Philippine Orthopedic Center sa pangunguna ng Proj. 7 Social Hygiene at Sundown Clinic.

Layunin nitong masuri ang mga indibidwal kaugnay ng kampanya ng lungsod na magkaroon ng zero transmission ng HIV pagsapit ng 2030.