Usap-usapan ang Instagram stories ng singer-actress na si Geneva Cruz matapos niyang palagan ang pagsusuot ng military uniform ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Si Geneva ay isang reservist ng Philippine Air Force (PAF). Apat na buwan ang inilaan ni Geneva upang matapos ang training noong 2022, kahit may iniinda siyang scoliosis.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

View this post on Instagram

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)

Si Michelle ay isa ring PAF reservist kaya dumalo siya sa "Stop and Salute flag-raising ceremony" na ginanap sa Rizal Park, Maynila.

Sa kaniyang IG story, ibinahagi ni Geneva ang screenshot ng litrato ni Michelle habang nakasuot ito ng unipormeng pansundalo.

Mababasa sa text caption, "I am proud of what she has accomplished for the (bandila ng Pilipinas), but it is our responsibility as reservists to wear and carry our uniforms properly as a sign of respect to the force, our nation, and our military men and women, most especially our active officers."

"Represent the country and the Philippine Air Force properly. Kaya hindi sineseryoso ang mga reservists eh. This is lousy, not snappy."

Photo courtesy: Geneva Cruz (IG) via Fashion Pulis

Ibinahagi pa ni Geneva ang screenshot ng isang commenter tungkol dito. Ayon dito, lousy daw ang pagkakasuot ni Michelle sa uniporme.

"Talagang binabastos na talaga ang uniporme namin. I condemn this to the highest degree!!" mababasang sabi ng nagkomento.

"Yan na nga po," ani Geneva.

Photo courtesy: Geneva Cruz (IG) via Fashion Pulis

Makikita naman sa Instagram post ni Michelle ang kaniyang mga larawan.

"To stand in solidarity at the #StopAndSalute ceremony as your Miss Universe Philippines and as Sergeant Michelle Marquez Dee was a moment of love & pride. 🇵🇭," aniya.

"To the youth, let this be a testament to the power of service. Serving as a public figure, an Air Force reservist and as someone who proudly raised our flag at Miss Universe, it was truly an honor to be the ONLY woman in uniform standing proudly alongside 40 uniformed soldiers. 🫡"

"I hope this serves as a message, to embrace our roles, no matter how big or small, in shaping our nation’s future. It’s our collective effort, passion, and dedication that make the Philippines a remarkable place to call home."

"To the youth, dream boldly, act with purpose, and carry the Filipino spirit wherever you go. Together, we can make a difference, one salute at a time. #FILIPINAS #BAYANIHAN 🇵🇭."

View this post on Instagram

A post shared by MMD (@michelledee)

Samantala, wala pang pahayag si Michelle sa paninita sa kaniya ni Geneva at iba pang netizen tungkol dito.