Ipinawalang-bisa na umano ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong "Eat Bulaga!" noong Disyembre 4, 2023, ayon sa inilabas na ulat ng News 5.

Matatandaang noong Agosto, naglabas ng resibo ang TAPE na nauna silang magpa-renew ng Eat Bulaga trademark sa IPOPHIL bago pa man ang paghahain ng reklamo ng Petitioners na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ tungkol dito.

MAKI-BALITA: Ni-renew ng 10 taon: ‘Eat Bulaga!’ trademark pagmamay-ari ng TAPE, Inc.

"Respondent-Registrant TAPE Inc.’s existing trademark registrations over the marks ‘Eat Bulaga and EB’ and ‘EB’ should be cancelled as they were obtained in contravention of the provisions of R.A. No. 8293 or the Intellectual Property Code of the Philippines (IP Code)," saad ng IPOPHIL sa naturang desisyon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Having sufficiently established how Petitioners coined the EAT BULAGA mark, it is Petitioners and not Respondent-Registrant who owns the mark."

"Considering that Petitioners are the owners, they have absolute and exclusive right to register the EAT BULAGA mark and all variations thereto, including the Subject mark and the EB mark, under its name..."

“WHEREFORE, premises considered, the instant Petition for Cancellation is hereby GRANTED."

Photo courtesy: via News 5

Photo courtesy: via News 5

Photo courtesy: via News 5

Pirmado ito ng isang nagngangalang Atty. Josephine C. Alon sa Taguig City.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng TAPE tungkol dito.