Naantig ang damdamin ng mga netizen sa video ng isang lalaking siyang top 1 sa naganap na November 2023 Philippine Nurses Licensure Examination (PNLE).
Ang nabanggit na bagong RN o registered nurse ay si Cris Vinz C. Tomboc mula sa College of Nursing ng West Visayas State University.
Napaiyak na lamang si Cris nang mapag-alaman niyang hindi lamang siya nakapasa kundi siya pa ang rank 1 sa lahat ng mga kumuha ng nabanggit na licensure exam.
Ibinahagi ng kaniyang kapatid na si Arliz Tomboc sa kaniyang Facebook post ang video ng emosyunal na kapatid, hindi dahil sa pagbagsak, kundi dahil sa tears of joy.
Makikita naman ang pagyakap ng kanilang ina sa kaniyang anak na lumuluha.
Mababasa sa post, βOMG!!!!! TOP 1 SA NURSING BOARD EXAM ANG KAPATID KO!!!!!!!!!!! CONGRATULATIONS BROTHERRR!!!!! ALL YOUR HARDWORK HAS PAID OFF!!!!!! ππππππ THANK YOU, LORD!!!!!!!! Vinz Tomboc, RN TOP 1 ππ»ππ»ππ».β
Sa kaniyang mahabang Facebook post, inilahad ni Cris Vinz ang kaniyang mga karanasan sa pag-aaral at pagrereview.
Pakiramdam daw niya ay nanalo siya sa lotto nang malaman na niya ang resulta ng licensure exam.
Tanda pa ni RN Cris VInz kung ilang nursing flashcards ang kinabisado niya, at kung ilang trial questions ang sinubukan niyang sagutin sa kasagsagan ng kaniyang review.
"I recall dedicating 8 to 12 hours daily to study during the review season, firmly focused on the goal of topping the boards. I adhered to a strict daily study schedule, mindful of every hour. I often reminded my friends that if Iβm working hard, thereβs someone out there working even harder, so I must strive to work the hardest."
"And yes, I have memorized over 8,000 nursing flashcards (studying around 500-1000 daily), repeatedly, until I committed them into long term memory. I used an app called Anki, which facilitated answering exam questions without difficulty, as if retrieving information from my mind like a search on Google."
"I have also answered 20,000-30,000 questions to gear myself up for what was to come," aniya.
Sa dulo, nagpasalamat ang bagong registered nurse sa mga espesyal na tao sa buhay niya, na nakatulong sa kaniyang journey---mula sa pag-aaral hanggang sa pagiging ganap na rehistradong nurse.
Congratulations, Cris Vinz!