Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon, Disyembre 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:23 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 18 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Lubang, Occidental Mindoro, na may lalim na 60 kilometro.
Itinaas ang Intensity V sa Lubang, OCCIDENTAL MINDORO; Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO, habang Intensity IV sa CITY OF MAKATI; QUEZON CITY; CITY OF TAGUIG; City of Malolos, City of Meycauayan, Obando, at Plaridel, BULACAN; Floridablanca, PAMPANGA; San Jose, BATANGAS; City of Tagaytay, CAVITE.
Naiulat naman ang Intensity III sa CITY OF CALOOCAN; CITY OF PASIG; Cuenca, at Talisay, BATANGAS; City of Bacoor, at City of General Trias, CAVITE; Rodriguez, RIZAL; Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO, habang Intensity II sa CITY OF MARIKINA; City of San Jose Del Monte, BULACAN; Gabaldon, NUEVA ECIJA; Lucban, QUEZON; San Mateo, RIZAL; Odiongan, ROMBLON, at Intensity I sa City of San Fernando, PAMPANGA; City of San Pedro, LAGUNA; Mauban, QUEZON.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.