Walang kupas at talagang posturang beauty queen pa rin si Miss International 1979 at former Supermodel na si Melanie Marquez, wearing red gown nang dumating sa very successful awards night ng 1st Philippine Pageantry Excellence Awards 2024, na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City noong Disyembre 2, 2023.

Ang gabi ng parangal ay ng Pinay beauty queens noon at ngayong henerasyon na isinakatuparan ng organizer at awards guru na si Richard Hiñola.

Isang karangalan para kay Melanie ang makatanggap ng award na Philippine Pageantry Iconic 2024. Kaya naman masaya siya at nagpapasalamat at inacknowledge ang mga trabaho niya noon at naging pride din ng Pilipinas noon bilang beauty queen and a model.

Tinukoy rin ni Melanie ang magandang naging performance ng kaniyang anak na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa katatapos na Miss Universe 2023 sa El Salvador.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

“Actually sinobrahan pa nga niya sa mga payong ibinigay ko sa kaniya. Kaya nagulat ako at nagpapasalamat ako na talagang binigay niya, binuhos niya lahat, hindi lang puso pati na rin diwa para mabigyan tayo ng honor sa bansa natin," aniya.

Ayon pa kay Melanie, disappointed daw siya sa hindi pagkakasama ni Michelle sa Top 5  despite sa ipinakitang husay ng performance ng anak.

“I was disappointed dahil nakita ko yung commotion sa loob ng teatro so wala tayong magagawa dahil nangyari rin 'yon noon sa akin. Kaya… so sabi ko ganyan talaga ang…. Pero nag ano siya, gumawa nakita ng buong mundo yun. Yun ang nakakatuwa dahil nakita ng buong mundo. Kaya sa akin nagpapasalamat ako sa lahat ng naniwala sa kaniya.”

Bagama't hindi nga pinalad si Michelle sa Miss Universe, may mga nagbukas namang pinto at ito ay mga kaliwa’t kanan na mga blessings na natatanggap para sa beauty queen. Dahil diyan, nagbigay ng payo si Melanie para kay Michelle.

“Ipagpatuloy niya yung magandang halimbawa niya dahil alam naman niya kung ano ang masama at mali at ibigay niya, ibuhos niya talaga ang diwa at puso niya kapag siya ay may trabaho. Dapat gusto niya yung trabaho para masaya rin siya sa ginagawa niya.”

Nagbigay naman si Melanie ng mensahe sa mga nangangarap maging beauty queen.

“Sana maging natural kayong tao at mahalin ninyo ang inyong bansa. Dahil makikita naman doon kung talagang malakas kayong representante sa pakikipaglaban sa kagandahan.”