Inaasahang magdadala ng mainit na panahon ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong Martes, Disyembre 5, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, ibinahagi ni Weather Specialist Benison Estareja na sa kasalukuyan ay hindi nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa alinmang bahagi ng bansa.

Samantala, ang easterlies umano o ang mainit na hanging nanggagaling umano sa karagatang Pasipiko ang posibleng magdala ng mainit na panahon na may kasamang saglit na mga pag-ulan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Inihayag din naman ng PAGASA na posible ring magdulot ang thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa.
National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022