Nagpaabot ng mensahe ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno para sa mga pumasa sa 2023 Bar examinations nitong Martes, Disyembre 5.

Sa Facebook post ni Diokno, binati at kinilala niya ang natamong tagumpay ng mga kumuha ng nasabing exams.

“Congratulations sa mga bagong Bar passer!  Ang inyong tagumpay ay bunga ng inyong pagsisikap, pagtitiyaga at walang patid na suporta ng inyong pamilya at mga mahal sa buhay,” ani Diokno.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dagdag pa niya: “Palaging tiyakin na mangingibaw ang hustisya para sa lahat, lalo na sa mga walang kakayahang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.”

Ayon sa opisyal na tala ng Supreme Court, 36.77% o 3,812 sa 10,387 examinees ang pumasa sa 2023 Bar examinations.

MAKI-BALITA: 3,812 examinees, pasado sa 2023 Bar exams