Kinaaliwan ng mga netizen ang nangyari sa mga karakter nina Susan Africa at Pen Medina sa "FPJ's Batang Quiapo" matapos malaman ang tunay na karakas at ugali ng karakter ni Christopher De Leon, ang napangasawa ng anak nilang si "Mokang," na ginagampanan naman ni Lovi Poe.

Wala kasi silang choice kundi bumalik sa kanilang dating bahay sa Quiapo kung saan si Roda (Joel Lamangan) na ang umuupa.

Pero dahil wala na silang ibang matutuluyan, pumayag itong makasama sila sa iisang bahay, basta't babaan lamang ang rental fee ng bahay.

Aliw magbasa ng mga reaksiyon ng netizens sa comment section dahil tila saglit lang pinalasap kay Susan Africa ang role na mayaman, donya, at nagpapamudmod pa ng pera at pautang dahil parang balik na naman siya sa "lusak" roles.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Matatandaang naging trending si Susan kamakailan dahil nakaahon-ahon na raw siya sa mga karaniwang roles gaya ng "mahirap" at "ubuhin."

MAKI-BALITA: Susan Africa ‘nakaahon-ahon’ na raw sa api-apihan roles

Nang makausap ng media si Susan sa nakaraang "The ABS-CBN Ball 2023," sinabi niyang natutuwa at natatawa na lang siya sa memes na nakikita niya sa social media patungkol dito, pero giit niya, nakagawa naman na siya ng roles na mayaman siya o nakakaangat-angat sa laylayan.

MAKI-BALITA: Susan Africa nag-react sa memes na ‘nakaahon-ahon’ na siya sa roles

Anyway, kasama si Susan sa proyektong pagbibidahan nina Jane De Leon at Janella Salvador kaya nakaabang ang mga netizen kung anong klaseng role ang gagampanan niya rito.