Isang magnitude 5.2 na lindol ang muling nagpayanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng hapon, Disyembre 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:27 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 96 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 6 kilometro.
Naiulat ang Intensity III sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR, habang Intensity II sa Marihatag, SURIGAO DEL SUR.
Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Ito ay isa umanong aftershock ng magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa probinsya noong Sabado ng gabi, Disyembre 3.