Aabot sa 236,000 puno ang nakatakdang itanim ng Department of Education (DepEd) sa Miyerkules, bilang Pamaskong Handog para sa mga kabataan.

Ayon sa DepEd, ang programang DepEd 236,000 Trees - A Christmas Gift for the Children ay ilulunsad nila sa Disyembre 6, 2023.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ito ay lalahukan ng nasa 47,678 pampublikong paaralan.

"Join us for the simultaneous planting of over 236,000 trees in different parts of the country, with the participation of DepEd 47,678 public schools," paanyaya pa ng DepEd.

Nabatid na layunin ng inisyatiba na isulong ang environmental preservation at itanim sa isipan ng mga kabataan ang environmental responsibility.

Anang DepEd, magsisilbi rin itong regalo mula sa departamento upang matiyak ang pagkakaroon ng isang clean and green environment para sa mga kabataang Pinoy at mga susunod pang henerasyon.

Maaaring mapanood ang aktibidad sa livestream sa official Facebook Page, YouTube Channel, at maging sa website ng DepEd Philippines, ganap na alas-8:00 ng umaga.