Sinuspindi ng Davao City government ang pasok sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan ngayong Lunes, Disyembre 4, kasunod ng 7.4-magnitude na lindol sa Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Ipatutupad naman ang work-from-home (WFH) arrangements sa lahat ng government office, ayon kay Davao City acting Mayor Melchor Quitain, Jr.

Hinihikayat din ni Quitain ang mga pribadong paaralan na ipatupad din ang hakbang.

Ayon kay Quitain, ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng pamahalaan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nitong Sabado ng gabi, tinamaan ng malakas na lindol ang Surigao del Sur na ikinasawi ng isang buntis.