Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • August 22, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Marawi bombing, kinondena rin ng CBCP

    Marawi bombing, kinondena rin ng CBCP

    By
    Mary Ann Santiago
    December 04, 2023
    In
    BALITA National
    Marawi bombing, kinondena rin ng CBCP
    (PNA)

    Marawi bombing, kinondena rin ng CBCP

    By Mary Ann Santiago
    December 04, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naganap na pambobomba sa loob mismo ng gymnasium ng Mindanao State University (MSU) nitong Linggo ng umaga, Disyembre 3, na nagresulta sa pagkamatay ng ilang indibidwal at pagkasugat ng iba pa.

    Idinahilan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng CBCP Social Action Justice and Peace Commission, walang puwang sa pamayanan ang anumang uri ng karahasan.

    Umapela rin ang obispo sa mga awtoridad na magsagawa ng masusing imbestigasyon at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan lalo na ngayong Christmas season.

    Panawagan din niya na kaagad na tukuyin, arestuhin at panagutin sa batas ang mga taong may kagagawan ng naturang karahasan.

    Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), dakong alas-7:10 ng umaga nang maganap ang pagsabog sa Dimaparo Gymnasium ng MSU habang dumadalo ng Banal na Misa ang mga estudyante at kawani ng unibersidad.

    Ikinalungkot rin ng obispo ang insidente lalo’t nagsusumikap ang religious leaders ng Mindanao na isulong ang pagbubuklod sa lugar upang makamit ang kapayapaan ng pamayanan.

    Inirerekomendang balita

    Lalaki, nagbihis-aso sa pagdalo niya sa hearing

    Lalaki, nagbihis-aso sa pagdalo niya sa hearing

    Hindi pangkaraniwang eksena ang sumalubong sa mga opisyal na dumalo sa isang public hearing matapos sumulpot ang isang lalaki na nakasuot ng maskara at kasuotang kahawig ng aso. Ginawa umano ito bilang bahagi ng protesta laban sa lumalaking bilang ng mga asong gala sa lungsod at sa umano’y iregularidad sa programa ng lokal na pamahalaan para sa pagkakapon o sterilization ng mga ito sa India....

    Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!

    Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!

    Tataas ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, kasunod ng patuloy na tensiyon sa pagitan ng United States at Iran na nakaaapekto sa pandaigdigang supply at kalakalan ng langis. Batay sa industry estimates gamit ang galaw ng presyo sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at palitan ng piso kontra dolyar, maaaring madagdagan ng ₱1.75 hanggang ₱2.25 kada litro ang presyo ng diesel....

    ‘I am working very hard!’ Sen. Risa, nagpapalakas para mapiling kandidato sa 2028!

    ‘I am working very hard!’ Sen. Risa, nagpapalakas para mapiling kandidato sa 2028!

    Aminado si Sen. Risa Hontiveros na patuloy niyang tinatrabaho ang kaniyang balak na tumakbo bilang Presidente sa 2028. Sa press conference nitong Sabado, Agosto 22, iginiit niyang ginagawa niya ang lahat upang siya raw ang mapiling kandidato ng kanilang mga kaalyado. “I am preparing very hard, working very hard para maging yung pipiliin nung hanay namin as the strongest possible candidate sa...

    Features

    FEATURES

    1

    KILALANIN: Sino si Nagmalitong Yawa?

    August 22, 2026

    FEATURES

    2

    Pasahero, pinakisuyuan ng tsuper replayan chat sa kaniya

    August 22, 2026

    FEATURES

    3

    BALITrivia: ‘Pangbansa’ o ‘Pambansa?’ Kailan nagbabago ang /-ng/ bilang /m/ o /n/ sa isang salita

    August 22, 2026

    FEATURES

    4

    Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

    August 22, 2026

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara

    August 22, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

    August 22, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Sikreto at payo nina lola para magkaroon ng mahaba at masayang buhay!

    August 21, 2026

    FEATURES

    8

    Ninoy sa huling liham niya kay Cory: 'All the things I want to tell you may be capsulized in one line - I love you!'

    August 21, 2026

    Opinyon

    Sean Antonio #KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo? Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala' Nicole Therise Marcelo
    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita