Ipinagdiriwang ngayong araw ng Linggo, Disyembre 3 ang "International Day of Persons with Disabilities (PWD)" sa buong bansa.

Kaugnay nito, nanawagan ang Presidential Communications Office (PCO) sa mga Pilipino na magkaisang kumilos upang maisakatuparan ang "Sustainable Development Goals" para sa mga PWD.

"Ngayong International Day of Persons with Disabilities (PWD), inaanyayahan ng Presidential Communications Office ang buong bansa na magkaisang kumilos para maabot ang Sustainable Development Goals para sa ating mga kababayang PWD," anila sa kanilang post na makikita sa opisyal na Facebook page ng tanggapan.

Panawagan pa nila, "Isulong natin ang dekalidad na edukasyon at serbisyong pangkalusugan, dagdag at pantay na oportunidad, at mga pasilidad at institusyong magpapalakas sa kanilang kakayahan!"

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

://