Naglabas ng pahayag ang Mindanao State University kaugnay sa nangyaring pambobomba sa loob ng pamantasan nitong Linggo, Disyembre 3.
Ayon sa ulat, bandang alas-siete ng umaga nang mangyari ang pambobomba sa Dimaporo Gymnasium ng MSU habang nagmimisa ang mga estudyante at iba pang faculty member.
Tatlo ang naitalang nasawi sa nangyaring pagsabog habang pito naman ang sugatan.
Iniimbestigahan na umano ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brig. Gen. Allan Nobleza ang nasabing insidente.
Kaya naman, nagpaaabot ng pakikiramay ang MSU para sa pamilya ng mga biktima. Mariin din nilang kinokondena ang nangyaring karahasan.
“The Mindanao State University (MSU) community is deeply saddened and appalled by the act of violence that occurred during a religious gathering at the university gymnasium this morning. We unequivocally condemn in the strongest possible terms this senseless and horrific act and extend our heartfelt condolences to the victims and their families. We are committed to providing support and assistance to those affected by this tragedy,” saad ng unibersidad.
Sa kasalukuyan, prayoridad umano ng unibersidad na masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan lalo na ang mga kapatid na Kristiyano.
“We are aware of the heightened sensitivities and concerns that arise from such a tragic event, and we want to assure everyone that we are taking every measure possible to protect our students, faculty, and staff,” anila.
Dahil umano sa nangyari, sinuspinde na ng unibersidad ang lahat ng klase at naglagay din ng dagdag pang seguridad sa kampus.
“The university administration has suspended classes until further notice and has deployed additional security personnel to safeguard the campus. We are also working closely with the local government units and law enforcement authorities to investigate this incident and bring the perpetrators to justice.”
Dagdag pa nila: “We stand in solidarity with our Christian community and all those affected by this tragedy. We will not be deterred by this act of violence, and we will continue to work towards building a more peaceful and just MSU community.”
Sa huli, iginiit nilang wala umanong puwang ang anomang uri ng karahasan sa institusyong gaya ng MSU na nagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at paggalang sa buhay ng sangkatauhan.