
(PNA)
Heightened alert, ipinatutupad na ng PCG dahil sa pambobomba sa Marawi
Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) kasunod na rin ng pambobomba sa Marawi City nitong Linggo ng umaga.
"In connection with the fatal bomb explosion in Marawi City today, 03 December 2023, I placed all Philippine Coast Guard (PCG) Districts on heightened alert to institute proactive measures," ani PCG Commandant, Admiral Ronnie Gavan.
Dahil dito, pinalakas ang intelligence monitoring, pre-departure inspection ng mga barko, K9 paneling, sea marshal deployment, coastal security patrols, at collaborative operations nito sa port officials, shipping operators, local government units, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
"Amid this barbaric act, the best public service must prevail," pagbibigay-diin pa ni Gavan.
Nauna nang naiulat na apat ang nasawi sa insidente na ikinasugat din ng ilang iba pang dumadalo sa idinadaos na misa sa gymnasium ng Mindanao State University nitong Disyembre 3 ng umaga.