Dahil sa pambobomba sa MSU: PNP, naka-full alert na sa Mindanao

(đ¸: Provincial Government of Lanao Del Sur/FB)
Dahil sa pambobomba sa MSU: PNP, naka-full alert na sa Mindanao
Naka-full alert na ang Philippine National Police (PNP) sa Mindanao kasunod ng insidente ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong Linggo ng umaga.
âThe safety and well-being of the community is our top priority. In response to the incident, we have elevated the security level of our Police Regional Offices (PROs) in Mindanao to full alert status. This decision is part of our strategy to enhance readiness and response capabilities to address any potential threats or untoward incidents,â paliwanag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.
Aniya, nagpadala na sila ng augmentation teams sa Marawi City upang matiyak na hindi maulit ang insidente.
Kabilang sa mga ipinadala sa Marawi ang Special Action Force (SAF), Explosive Ordinance Disposal at d K9 units.
Bukod dito, aniya, naka-heightened alert na rin ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at nagdagdag na ng kanilang tauhan sa pagpapatrolya at paglalatag ng checkpoint sa matataong lugar.
âTo reassure the public and deter criminal elements, the NCRPO is on heightened alert with increased police visibility across the region. This measure aims to instill confidence and demonstrate our commitment to maintaining peace and order,â banggit pa ni Fajardo.
Apat ang nasawi matapos bombahin ang idinadaos na misa sa gymnasium ng MSU nitong Disyembre 3 ng umaga.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente upang matukoy ang nasa likod nito.