Umapela ang humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na Caritas Philippines para sa ligtas na “Christian gatherings” matapos ang pambobomba sa Mindanao State University nitong Linggo, Disyembre 3.

Sa Facebook page ng Caritas PH sa parehong araw, mababasa ang ipinahayag na saloobin ni Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng nasabing organisasyon, kaugnay sa nasabing insidente.

“I am appalled by the blatant act of terror that the perpetrators were able to commit especially at this time when we are celebrating the Mindanao Week of Peace!” saad ng obispo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dagdag pa rito: “Bishop Bagaforo appeals to government authorities to ensure the security and safety of Christian gatherings, especially since the Christmas season has started.”

Nanawagan din ang Caritas PH na imbestigahang mabuti ang kahindik-hindik na pag-atakeng ito upang mapanagot agad ang mga may-sala.

Sa huli, nagpaabot sila ng pakikiramay para sa mga biktima at sa pamilya ng mga naapektuhan ng insidente. Hinimok din ang mga awtoridad at lider ng komunidad at relihiyon na magtulungan upang panatilihin ang kapayapaan sa kabila ng nangyari.

“Concerted efforts must be made to prevent the recurrence of such violent incidents and to safeguard the fundamental right to worship without fear of anyone,” saad pa nila.