Nagpaabot ng pakikiramay si dating Senador Bam Aquino sa pamilya ng mga biktima ng pambobomba sa loob ng Mindanao State University.

Ayon sa ulat, bandang 7:00 ng umaga nang mangyari ang pambobomba sa Dimaporo Gymnasium ng MSU habang nagmimisa ang mga estudyante at iba pang faculty member.

Tatlo ang naitalang nasawi sa nangyaring pagsabog habang pito naman ang sugatan.

Kaya naman, lubos na nalulungkot si Aquino sa nangyari. Ipinaabot niya ang kaniyang taos-pusong pakikiramay sa lahat ng mahal sa buhay ng mga biktima.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Deeply saddened by the tragic bombing incident at Mindanao State University (MSU) Marawi Campus. Taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mahal sa buhay at kaibigan ng mga biktima,” saad ni Aquino.

Dagdag pa niya: “This underscores the critical need for safe spaces in schools. We strongly condemn this barbaric act that has no place in a civilized society. Dapat managot ang mga nasa likod ng karumal-dumal na atakeng ito.”

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na umano ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brig. Gen. Allan Nobleza ang nasabing insidente.

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng MSU hinggil dito.