Pumanaw na ang beteranong aktor na si Manuel “Jun” Urbano Jr., mas nakilala bilang “Mr. Shooli,” nitong Sabado, Disyembre 2, sa edad na 84.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Banots Urbano sa pamamagitan ng isang Facebook post nito ring Sabado.

“I will cherish this moment for the rest of my life. I love you so much dad, until we meet again,” ani Banots sa kaniyang post kalakip ang larawan nila ng kaniyang ama.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News, kinumpirma umano ng pamilya Urbano na “ruptured abdominal aortic aneurysm” ang naging dahilan ng pagkamatay ni Jun.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Si Jun ay anak ng National Artist na si Manuel Conde.

Bukod sa pagiging isang aktor, isa rin siyang komedyante, direktor, advertising creative, at satirist.

Mas nakilala siya sa industriya ng showbiz bilang “Mr. Shooli,” isang Mongolian-inspired character na unang naging popular noong 80s sa political commentary show na Mongolian Barbecue.

Noon lamang Oktubre 2023, natanggap ni Jun bilang Mr. Shooli ang “Gawad Plaridel award,” ang pinakamataas na parangal ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Isa naman sa mga palabas kung saan huling nakasama ang aktor ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Rest in Peace, Mr. Shooli!