Nagbigay ng pahayag si award-winning actress Nadine Lustre sa naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa eksklusibong panayam ng One Balita nitong Biyernes, Disyembre 1, tinanong si Nadine kung ano ang reaksiyon niya tungkol dito.

"I can't really say so much about it because I'm not super close to them. I don't think I can comment on anything. Pero ang tagal din ng 11 years," saad ni Nadine.

Nagbigay din ng pananaw si Nadine tungkol sa konsepto ng love team na malaganap na umiiral sa showbiz industry.

Dalaga, pinagtataga umano ama-amahan; umawat na nobyo, sugatan din

“Noong panahon ko, ‘yung mga love team, pipilitin, e. Pipilitin kahit wala na. ‘Yun hindi n’yo na-experience na?” usisa ni Cheryl Cosim.

"No, I am grateful hindi umabot sa ganoon," tugon ni Nadine.

Dapat lang daw na maging professional at hindi pinipilit ang love team sa showbiz industry sa Pilipinas.

"That's how it should be naman. I think that's how it should be, but I understand din naman why sometimes the management would force it for business reasons. But I'm happy because now the showbiz industry is changing. Now it's not the same as before na ‘pag love team kayo dapat. Ngayon, everyone is more understanding, and everyone is more professional. I think it should be like that,” ani Nadine.

Dagdag pa niya: “I'm very lucky because there are fans who also understand even when I am dating again. There were fans na very supportive. I mean, I understand some fans are heartbroken, fans who are mad, which is understandable because they were with you on that whole journey. Even if they don't know you personally parang nakakasad din naman pero ganoon talaga."

Matatandaan na dating naka-love team ni Nadine ang aktor na si James Reid at nakilala sila bilang JaDine.

Pero sa kasalukuyan, ang karelasyon na ni Nadine ay ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou. 

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, unti-unti na nga bang ipinakikilala sa socmed ang rumored boyfriend?