Tumaas pa ang kaso ng dengue sa Quezon City ngayong taon, ayon sa City Health Department.

Paliwanag ng QC Epidemiology and Disease Surveillance, nasa 3,598 na ang kaso ng sakit sa lungsod simula Enero 1 hanggang Nobyembre 25.

Mas mataas ito kumpara sa 682 kasong naitala sa kaparehong panahon nitong nakaraang taon.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Dahil dito, lalo pang pinaigting ng pamahalaang lungsod ang anti-dengue drive upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Inabisuhan din ng city government ang mga residente na magpakonsulta sa pinaka-malapit na health center sakaling makaranas ng sintomas ng sakit.