Hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 1,881 motorista matapos dumaan sa EDSA bus lane nitong nakaraang Nobyembre.
Binanggit ng MMDA, ang mga nabanggit na motorista ay nahuli mula nang simulan ang implementasyon ng mataas na multa sa mga lumalabag sa EDSA bus lane policy nitong Nobyembre 13.
Paliwanag ng ahensya, kabilang sa mga lumabag ang 1,174 motorsiklo habang 707 naman ang four-wheeled vehicles.
Metro
QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC
Ikinatwiran ng MMDA, resulta lamang ito ng mas mahigpit nilang operasyon dahil sa binuong Special Operations Group-Strike Force na inatasang magbantay sa EDSA bus lane.
Muling nilinaw ng ahensya, kabilang lamang sa pinapayagang dumaan sa bus lane ang mga ambulansya, fire truck, sasakyan ng Philippine National Police, at service vehicles para sa EDSA Busway Project.
Ang mga lumalabag sa EDSA bus lane policy ay pinapatawan ng mas mabigat na multa: First Offense – P5,000
Second Offense – P10,000 plus one month suspension of driver’s license, and required to undergo a road safety seminar
Third Offense – P20,000 plus one year suspension of driver’s license
Fourth Offense – P30,000 plus recommendation to Land Transportation Office for revocation of driver’s license