Nagpaabot ng suporta si dating Senador Leila de Lima para kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos kumpirmahin ng dalawa ang kanilang hiwalayan.

Sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Disyembre 1, nagbahagi si De Lima ng mga larawan nina Kathryn at Daniel kasama ang kaniyang standee noong nakaraang eleksyon kung saan tumakbo siya bilang senador.

“Hindi ko pa man sila personal na nakita, at sa standee ko pa lang sila nakasama, maraming salamat #KathNiel sa inspirasyon,” ani De Lima sa kaniyang post.

“I pray for your continued growth and healing. Patuloy namin kayong susuportahan. God bless you, your fans and family,” saad pa niya.

Kathryn, Daniel, hiwalay na

Nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30, nang magkasunod na nag-post sina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang Instagram accounts para basagin ang mga speculation at i-confirm na natuldukan na nga ang 11 long years nilang pagsasama.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” mensahe ni Kathryn kay Daniel sa kaniyang post.

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

https://balita.net.ph/2023/11/30/daniel-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-kathryn/

Matatandaan namang sinuportahan nina Kathryn at Daniel ang kandidatura ni De Lima sa pagka-senador noong 2022.