
(Bureau of Customs/FB)
₱323M smuggled na sigarilyo, winasak sa Zamboanga
Winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱323 milyong halaga ng puslit na sigarilyo na nasamsam sa pitong buwan na operasyon ng ahensya sa rehiyon.
Nasa 5,624 kahon ng sigarilyo ang sinira ng BOC Port of Zamboanga sa isang bodegang inookupa nito sa Barangay Tetuan, Zamboanga City nitong Nobyembre 30.
Binasa muna ang mga sigarilyo bago ipadurog sa payloader equipment at ibinaon sa isang sanitary landfill sa Barangay Salaan upang hindi mapakinabangan.
Ang mga puslit na sigarilyo ay kinumpiska ng BOC sa sunud-sunod na maritime patrol operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, mula Mayo hanggang Nobyembre 2023.