Nilinaw ng social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin na hindi totoong hindi siya nagbabayad ng buwis sa kaniyang mga kinikita bilang content creator at negosyante, gaya ng ipinupukol sa kaniya ng mga netizen matapos ang panayam sa kaniya sa "Toni Talks."

Sa nabanggit na vlog ay diretsahang sinagot ni Rosmar ang tanong sa kaniya ni Toni kung magkano ba ang kinikita niya bawat araw.

Nawindang naman si Toni nang mapag-alamang nasa ₱10-₱13M ang kinikita ni Rosmar kada araw, at mahina raw ang ₱5M sa kaniya.

Bagay na pinalagan naman ng mga netizen dahil "BIR is waving" na raw at tila pinahamak pa raw niya ang social media personalities.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

MAKI-BALITA: Pahamak si Rosmar? BIR hahabulin daw influencers

Kasama rin sa nanita sa kaniya ay ang kapwa social media personality na si Rendon Labador.

MAKI-BALITA: Rendon, nag-react sa pag-flex ni Rosmar ng kita

Kaya naman, agad na bumwelta si Rosmar sa kaniya.

MAKI-BALITA: ‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

Sa isang Facebook post, sinabi ni Rosmar na wala siyang dapat katakutan dahil nagbabayad siya ng tamang buwis.

Sa katunayan, isa pa nga siyang BIR ambassadress.

Narito ang buong post niya:

"DATI TAKOOOT DIN AKO SA BIR 🤭❤️."

"2015 pa ako may business (Physical Store) takooot na takooot ako everytime na may TAX MAPPING sa mga stores ko. ewan basta kinakabahan ako pag sinabing BIR. kahit may mga documents ako."

"pero nung naging BIR AMBASSADRESS ako last year narealize ko na wala naman dapat ikatakooot basta nagcocomply ka sa kanila. ultimo yung sinabit sa kasal namin na 1M nila papa at mama binayaraaan ko ang DONORS TAX nun. may ganun pala? kaya nung binigyan nila papa ng 5M kapatid ko at nagbigay ako 1M sa kapatid ko nung kasal. dahil alam ko na may DONORS TAX pala, edi nagbabayad na ako nasa 360,000 ata yun kasi 6%🥰❤️."

"ultimo na mga fine flex kong sasakyan at mga property bayad lahat ang tax nyan. ano ako shunggaaaa? forda flex ng mga naipundar tapos di bayaaad? (commonsense mga people of the universe)

"lalo na nung na imbitahan ako as GUEST SPEAKER para impluwensyahan ang mga Social media influencers, CEO, At online selleeeers para mag declare ng saleeees nila sa BIR. mas lalo kong naintindihan ang mga dapat gawin at icomply. naatasan pa nga ako nun ituro mga kilala kong di nagbabayad ng tamang tax. 🤣😍❤️."

"at lalo na ng ma invite ako ni BIR COMMISSIONER Romeo "Jun" Lumagui Jr. simula ng nakapwesto sya sa BIR mas lalo umayos ang sistema. ibang iba ngayon ang BIR. Imagine nag eeffort sya lagi mag upload at post ng way kung paano mas mapapadali pag comply nyo. kasi may mga tao naman daw na gusto mag comply di lang alam kung paano🥰❤️

at naaalala ko pa sabi nya sakin nung nag meeting kami. minsan daw mag register ka lang sa BIR di ka sisingilin ng buwis kapag below that price ang kinikita mo. may ganun pala?"

"andyan sila para gumabay at di para manakooot. 💯"

"sa totoo lang maraming CEO ang nagulat kung magkano ang dinedeclare ko at binabayaraaang tax sa BIR. kahit baguhan lang ako sa industry. sabi pa nga nila dapat ganto ganyan gawin. kasi kahit ako nagulat sa tax na binayaran ko simula nung nag start ang ROSMAR BRAND. 🤣❤️"

"naisip ko naman kasi, na ang binabayad kong buwis ay nakakatulong sa gobyerno, sa Pilipinas at lalo na sa mga taong nangangailangan. kaya bakit di ako magcocomply? sarap kayang makatulong. 🤭🥺😍❤️."

"basta ang masasabi ko lang. ibang iba na ang BIR NGAYON. 🥹❤️."