Kahit daw "donor's tax" ay binabayaran ng kontrobersiyal na social media personality na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o mas sikat sa pangalang "Rosmar Tan."

Sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 30, nilinaw ni Rosmar na hindi siya pasaway pagdating sa pagbabayad ng buwis, taliwas sa mga kumakalat na tsika at okray ng mga netizen na "BIR is waving" na raw matapos niyang i-flex ang kita kada araw sa vlog ni Toni Gonzaga.

Aniya, maski nga raw donor's tax ay binabayaran niya. Noong una nga raw, hindi niya alam na may ganoon pala. Inamin ni Rosmar na noon daw ay "takot" siya kapag naririnig ang Bureau of Internal Revenue o BIR, lalo na kapag tax mapping.

Subalit nang maging BIR Ambassadress daw siya ay nawala ang pagkatakot niya sa BIR.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Ultimo yung sinabit sa kasal namin na 1M nila papa at mama binayaraaan ko ang DONORS TAX nun. may ganun pala? kaya nung binigyan nila papa ng 5M kapatid ko at nagbigay ako 1M sa kapatid ko nung kasal. dahil alam ko na may DONORS TAX pala, edi nagbabayad na ako nasa 360,000 ata yun kasi 6%🥰❤️."

Giit pa ni Rosmar, kahit ang mga fine-flex niyang kotse ay bayad din ang buwis.

"Ultimo na mga fine flex kong sasakyan at mga property bayad lahat ang tax nyan. ano ako shunggaaaa? forda flex ng mga naipundar tapos di bayaaad? (commonsense mga people of the universe)."

Ayon sa BIR website ang donor's tax ay "tax on a donation or gift, and is imposed on the gratuitous transfer of property between two or more persons who are living at the time of the transfer."

Dagdag pa, "It shall apply whether the transfer is in trust or otherwise, whether the gift is direct or indirect and whether the property is real or personal, tangible or intangible."

MAKI-BALITA: Rosmar, hindi takot sa BIR; ambassadress pa nga