Taos-puso raw na nakikiramay si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa mga brokenhearted ngayon dahil sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
“Taos-pusong pakikiramay po sa lahat ng mga Kakampi nating broken-hearted sa hiwalayan ng KathNiel. Anuman at anuman ang mangyari, we still love you Kath and DJ!” anang alkalde sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes ng gabi.
“Iiyak mo lang yan bes dahil walang pasok bukas ang private at public school sa Malabon,” dagdag pa niya.
Maraming netizens ang naaliw sa post dahil inakala nila na talagang nagsuspindi ng klase ang mayora dahil sa hiwalayan ng KathNiel.
Pero ang totoo, wala talagang pasok sa lungsod dahil sa pagdiriwang ng “Malabon Teachers’ Day” ngayong Disyembre 1.
“Alinsunod sa City Ordinance No. 31-2005, #WalangPasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod bukas, Disyembre 1, 2023 bilang selebrasyon ng Malabon Teachers' Day,” saad ni Mayor Sandoval sa nauna niyang post.
Samantala, bukod kay Sandoval, kwelang nag-react si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa mga nagtatanong umano ng “class suspension” kaugnay rin sa hiwalayan ng KathNiel.
Maki-Balita: Mayor Biazon, nag-react sa ‘class suspension’ dahil sa KathNiel breakup
Matatandaang binasag na nina Kathryn at Daniel ang kanilang katahimikan hinggil sa estado ng kanilang relasyon.
“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” ani Kathryn kay Daniel sa kaniyang Instagram post.
Maki-Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na
“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.
Maki-Balita: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn