Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Catanduanes nitong Huwebes ng umaga, Nobyembre 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:41 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Caramoran, Catanduanes, na may lalim na 16 kilometro.
Naiulat ang Intensity III sa Naga, Camarines Sur.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Virac, Catanduanes
Intensity II - Tabaco, Albay; Pili, Camarines Sur; Castilla, Sorsogon; City of Legazpi, Albay
Intensity I - Sipocot, Camarines Sur; City of Sorsogon at Donsol, Sorsogon
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.