Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Camarines Sur nitong Huwebes ng madaling araw, Nobyembre 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:18 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Calabanga, Camarines Sur, na may lalim na 4 kilometro.

Naiulat ang Intensity V sa Tinambac, CAMARINES SUR, habang Intensity IV sa Naga, Calamigan, at Calabanga, CAMARINES SUR

National

PBBM, masayang nakasama si ex-VP Leni: ‘A step towards political reconciliation’

Nasa Intensity III naman umano sa City of Iriga, Bula, at Presentacion, CAMARINES SUR; Lopez, Quezon; Intensiy II sa Goa at Cabusao, CAMARINES SUR; Mercedes, Daet, at Basud, CAMARINES NORTE; Guinayangan, QUEZON, at Intensity I sa City of Legazpi, ALBAY.

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity VI - Tinambac, CAMARINES SUR

Intensity IV - Pili, CAMARINES SUR

Intensity III - Pasacao, CAMARINES SUR

Intensity II - Guinayangan, QUEZON

Intensity I - Tabaco, ALBAY; Jose Panganiban, CAMARINES NORTE; Polillo, QUEZON

Hindi naman inaasahang magkakaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit posible umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.