Mukhang hindi pa talaga matatapos ang GMA Drama series na "Abot Kamay na Pangarap" na pinagbibidahan ni Jillian Ward dahil mukhang bukod sa extended pa ito, may gimik din silang "cross-over" ng mga karakter mula sa iba pang Kapuso serye.

Sa panayam ng 24 Oras kina Jillian at Ken Chan, kahit sila ay excited na sa pa-intense na pa-intense na mga plot twist at pangyayari sa kanilang serye.

Kahit nga raw sila ay nabubuwisit na sa mga pinaggagagawa ng kanilang pangunahing kontrabidang si Pinky Amador na gumaganap bilang "Moira."

At hayun na nga, antabayanan daw ang "cross-over" o pagpasok ng mga karakter ng iba pang GMA series sa kanilang palabas. Hindi naman nila ni-reveal kung sino-sinong mga karakter ito, o kung saang GMA series manggagaling.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero sa comment section ng ulat ay tila maraming nagsasabing "umay" na sila sa takbo ng kuwento at pinapatapos na ito.

May mga nagbiro pa ngang balak yatang paabutin pa ng pitong taon o mahigit pa ang serye, kagaya ng nangyari sa "FPJ's Ang Probinsyano" ng ABS-CBN.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Balak nyo ba gawing 7 years din mala Probinsynao haha"

"Tapusin nyo na po ito. Di na natutuwa televiewers, nakaka-stress na po lalo na sa mga seniors na nanonood."

"Kaumay na panoorin paulit-ulit na lang."

"Sana ipasok na din nila jan yung cast ng probinsyano nahiya pa sila."

Samantala, may mga nagtanggol din naman sa serye. Kung ayaw daw manood ng iba at umay na, eh 'di huwag manood!

"Huwag na kayo manood kung ayaw n'yo."

"Daming ebas ng iba rito, huwag kayo manood kung hindi ninyo bet."

"Successful ang show kaya pahahabain pa and dami pang gimik."

"Pag inggit, pikit."

"Magsilayas kayo kung hindi kayo Kapuso ha, doon kayo sa channel n'yo."