Muli na namang napag-usapan ang tungkol sa isyu ng dating glam team ng Kapuso star-fashion celebrity na si Heart Evangelista sa pagsasa-dokumento niya sa pagkaaligaga sa New York Fashion Week, na mapapanood sa kaniyang vlog.

Masayang ibinida ni Heart kung paano siya naghahanda sa fashion week at kung sino-sinong mga personalidad ang tumutulong sa kaniya para maging pabulosa sa nabanggit na event na hindi minimintisang puntahan ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Malaki rin ang pasasalamat ni Heart kay Sen. Chiz dahil pumapayag itong samahan siya; tinitiyak daw ng mister na maayos ang schedule, may meals para sa lahat, at "personal alalay" sa misis na malaking tipid dahil hindi kailangang magbayad.

Subalit sa one-hour vlog na ito, tila nabuhay na naman ang tungkol sa dating glam team ni Heart, dahil sa usapan nila ng dating manager na Arnold Sebastian Mendoza, na nakabase na ngayon sa New York.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Makikita ito sa time frame na 25:15 ng vlog.

Walang mga pangalang binanggit sina Heart at Arnold subalit natunugan ng mga netizen na ang dating glam team ang pinag-uusapan nila.

Ang dating make-up artist ni Heart ay si Justin Soriano at ang dating hairstylist ay si Jeck Aguilar na madalas pang makita sa vlog ng aktres.

Sey ni Heart, "You cannot trust anybody. Only yourself and just a chosen few—especially when they want more.”

“You can't be everybody's cup of tea. Kahit na ano pang gawin mo, magta-tumbling ka, meron pa rin ang hindi mo... ayaw sa iyo," sang-ayon naman ni Arnold.

“Ano lang, simple na, kung kanino ka nagsimula, kung paano ka nagkaroon ng pangalan, bigyan mo naman ng ano... 'di ba?” dagdag pa nito.

Sumang-ayon naman dito si Heart.

"If they want to do other clients, wala namang problema. Tell me naman because ako, bawal, kayo puwede? Bawal akong mag-react?”

"Bastos talaga," react ni Arnold.

May binanggit pa si Heart na isa raw sa kanila ang tila nangailangan pa raw ng kidney para sa kaniyang ama, at pabirong sinabi ng aktres na idinonate niya ito pero hindi sinabi sa mister.

Pabirong sey naman ni Arnold, ihuhulog na lang niya sa bintana si Heart para mawala na lahat ng kidney nito.

"Day, nagiging ano kayo, influencer, dahil kay Heart. Mga bakla kayo, magre-resign kayo—sulat? Kakapal naman ng mga mukha n'yo. Puwede mo namang kausapin yung tao. May magagawa ba siya kung gusto niyo na siyang iwan?

"Pero, sana, namili kayo no'ng maayos na paraan.”

"True," sey naman ni Heart.

Pagpapatuloy pa ng real talk ni Arnold, "Dinala kayo sa ibang bansang hindi n'yo kayang puntahan. Libre. Tapos gusto n'yo maglamyerda. Eh, 'Day, trabaho muna."

Mahaba pa ang pagtsitsikahan ng dalawa habang inaayusan si Heart subalit isa pa sa mga tumatak dito ay ang tungkol naman sa pera.

"Akala nila na-rob nila 'yong bank, at itinakbo na 'yong pera, pagbukas nila ng, ano, 'yong parang… 'yong pagbukas nila ng bank, eh, wala palang laman.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga dating miyembro ng glam team tungkol sa pasabog ni Heart.

MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?

MAKI-BALITA: Heart nagsalita sa isyu ng paglayas sa kaniya ng glam team