Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Negros Oriental nitong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari umano ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:32 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 41 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Santa Catalina, Negros Oriental, na may lalim na 33 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Sibulan, Negros Oriental.

National

VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.