Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 26, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow

    Nagpaputok sa QC bar: Mga baril ng sinibak na police official, pinakukumpiska ni Abalos

    Nagpaputok sa QC bar: Mga baril ng sinibak na police official, pinakukumpiska ni Abalos

    By
    Balita Online
    November 29, 2023
    In
    BALITA
    Nagpaputok sa QC bar: Mga baril ng sinibak na police official, pinakukumpiska ni Abalos
    (Radyo Pilipinas/FB)

    Nagpaputok sa QC bar: Mga baril ng sinibak na police official, pinakukumpiska ni Abalos

    By Balita Online
    November 29, 2023
    In BALITA

    Ibahagi

    Iniutos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. na kumpiskahin kaagad ang mga lisensyadong baril ng sinibak na opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pagpapaputok ng baril sa isang bar sa lungsod kamakailan.

    Probinsya
    Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

    Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

    Partikular na inatasan ni Abalos ang Philippine National Police (PNP) na isagawa ang operasyon laban kay Lt. Col. Mark Julio Abong.

    Si Abong ay dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa QC Police District.

    Ang hakbang ni Abalos ay kasunod na rin ng pagbawi ng PNP-Firearms and Explosives Office sa lisensya ng tatlong baril ni Abong.

    "Hindi dapat bigyan ng pribilehiyo na magmay-ari o magdala ng baril ang sinumang hindi responsable o mapagkakatiwalaan na humawak nito. Kahit pa siya ay isang alagad ng batas," ani Abalos.

    Nahaharap si Abong sa kasong illegal discharge of a firearm o paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), paglabag sa Omnibus Election Code, physical injury, slander by deed, at disobedience upon an agent or person in authority sa Quezon City Prosecutor's Office.

    Nitong Marso 2023, iniutos na ng Quezon City People's Law Enforcement Board (QC PLEB) na sibakin sa serbisyo si Abong matapos mapatunayang nagkasala sa patung-patong na kaso na nag-ugat sa hit-and-run case sa QC noong Agosto 2022 na ikinasawi ng isang tricycle driver at ikinasugat ng pasahero nito.

    Gayunman, naghain ng apela sa DILG si Abong kaugnay ng naunang kaso nito.

     

     

    PNA

    Inirerekomendang balita

    Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

    Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

    Nauwi sa marahas na pagtatalo ang away ng mag-live in partner sa Davao del Sur kung saan sugatan ang 19-anyos na lalaki matapos siyang tagain ng kinakasama niyang 34 taong gulang.Ayon sa mga ulat, tinaga ang suspek ang kaniyang live-in partner matapos umano siya nitong buhusin ng mainit na kape sa gitna ng kanilang pagtatalo.Depensa ng suspek, hindi na raw siya nakapagtimpi sa kaniyang kinakasama...

    Sen. Bato, 'di pa rin nagparamdam sa Senado—SP Sotto

    Sen. Bato, 'di pa rin nagparamdam sa Senado—SP Sotto

    Hindi pa rin pumapasok sa Senado si Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa sa pagpapatuloy ng sesyon nitong Lunes, Enero 26.Ayon kay Senate President Tito Sotto III, sa panayam ng mga mamamahayag sa kaniya, sinabi niyang wala siya at wala pa siyang natatanggap na abiso mula sa kampo ng kapwa senador kung bakit wala siya sa pagbubukas ng sesyon.“Hindi pa siya nagpaparamdam. I have not heard any...

    Shipping line ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, nakiramay sa mga kaanak ng kanilang mga pasahero

    Shipping line ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, nakiramay sa mga kaanak ng kanilang mga pasahero

    Nagpahatid ng pakikiramay ang shipping line ng M/V Trisha Kerstin 3 matapos itong maiulat na lumubog sa Baluk-Baluk Island, Basilan, nitong madaling-araw ng Lunes, Enero 26.“Our thoughts and hearts are with everyone who was on board and with their families during this extremely difficult time,” saad ng Aleson Shipping Lines, Inc. sa kanilang pahayag. Ipinabatid din nila ang pagpapasalamat sa...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Mga hindi pangkaraniwang kaalaman tungkol sa Bibliya

    January 26, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

    January 25, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Mga puwedeng panoorin patungkol sa Mamasapano massacre at SAF 44

    January 25, 2026

    FEATURES

    4

    BALITAnaw: Dedikasyon para sa demokrasya ni ex-Pres. Cory Aquino

    January 25, 2026

    FEATURES

    5

    BALITAnaw: Buwis-buhay ng SAF 44 sa madugong engkuwentro sa Mamasapano

    January 25, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

    January 24, 2026

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Mga dapat malaman tungkol sa Autism Spectrum Disorder

    January 24, 2026

    FEATURES

    8

    ALAMIN: Nakikilala ba ang personality ng isang tao base sa sulat-kamay?

    January 23, 2026

    Opinyon

    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Mga Bible verse na puwedeng maging kalakasan sa araw-araw Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw? Nicole Therise Marcelo
    Balita Online #KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Susunod ka pa rin ba sa Panginoon kahit mahirap? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita