Nasabat ng awtoridad ang 100 kilo ng hinihinalang marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Abut, Quezon, Isabela nitong Martes.

Umaabot sa mahigit ₱12 milyon ang halaga ng nasabat na marijuana. Arestado naman ang apat na suspek na pawang mga residente ng Kalinga Province.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naaresto ang mga suspek matapos ibenta ni alyas “Ayong” ang ipinagbabawal na droga sa isang operatibang nagpanggap na poseur buyer.

Narekober din mula sa mga suspek ang isang kalibre 9mm, isang magazine, mga bala, at boodle money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit 2 (SOU2) ang mga suspek.

Nakatakdang i-turn over sa PNP Crime Laboratory, Roxas, Isabela ang mga nakumpiskang ebidensya para sa tamang pagsusuri.