Usap-usapan ang video kung saan makikita ang dating Kapamilya star na si Liza Soberano na pinapayungan ang isang drag queen sa performance nito.

Sa X post ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, makikitang masayang-masaya si Liza sa kaniyang pagdalo sa isang event sa Obar noong Nobyembre 26 ng gabi.

"SPOTTED: Liza Soberano having a nightout with friends and dancing with drag queens at Obar last night," mababasa sa X post ni Felipe, kalakip ang isang video niya sa TikTok, kung saan masaya at enjoy na nakikisaya at nakikisayaw si Liza.

https://twitter.com/mjfelipe/status/1728971541365641522

National

Sen. Angara, planong humingi ng payo kay VP Sara hinggil sa DepEd

Courtesy: MJ Felipe's X

Pinayungan naman ni Liza ang isang drag queen na gumaya kay Popstar Royalty Sarah Geronimo matapos kantahin ang "Kiss Me, Kiss Me" na isa sa mga OST ng pelikula niyang "Miss Granny."

Ilang netizens ang nang-okray sa paghahawak ng payong ni Liza nang maitampok na ito sa iba't ibang social media pages. Narito ang ilan:

"Hollywood career ang target mo tapos paghahawakin lang ng payong hahaha..."

"Kaganda ng career mo sa Pilipinas, ngayon ano na?"

"Anyare? Tagahawak na lang ng payong si antehhh"

"balik Pilipinas din ang Ending ni Liza.

"Hahaha… kawawa naman maagang nalaos"

Subalit mas marami pa ring netizen ang dumepensa at nagtanggol kay Liza.

"Wala namang big deal sa paghahawak ng payong. Napaka-humble niya!"

"Ok lang 'yan masaya siya sa ginagawa niya."

"Ay hala, pinaghawak lang ng payong big issue agad? Ginagawa n'yo namang abnormal ang mga artista, pati kilos at ginagawa nila kinucontrol ng mga makikipot na isip."

"Anu ba kasi problema? She's enjoying and happy that's the most important."

Maging sa comment setion ng X post ni MJ ay makikita ang iba't ibang reaksiyon ng mga netizen.

"Game na game si @lizasoberano. She's having fun. Love it!"

"wow! liza soberano enjoying her life as she should! this is what her supporters and her loved ones wanted to see. the more haters bringing her down, the more she's becoming happier and wapakels! GO, GIRL! 💃🏻"

"Liza to her bashers: Im having the best time of my life"

"Parang all over the place na ‘tong si Liza - ang dami ganap- may Korea, may modelling may kung ano ano - maging visible lang. halatang she’s having fun naman kung Ano man ginagawa nya - sabagay bata pa sya - try nya lahat pero dapat meron ding career path na sundin."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Liza kaugnay nito.