Ipinabatid ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos umanong yumanig ang magnitude 6.6 na lindol ang Papua New Guinea nitong Martes ng umaga, Nobyembre 28.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang magnitude 6.6 na lindol sa malapit sa hilagang bahagi ng Papua New Guinea dakong 5:47 ng umaga.

Mayroon umano itong lalim na 44 kilometro.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng Phivolcs.

National

VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM

Dahil dito, wala umanong aksyon na kinakailangang gawin kaugnay ng naturang lindol.