Napitikan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang isang unique galaxy sa layong 17 million light-years mula sa Earth na tinatawag umanong “Evil Eye.”
Sa isang Instagram post ng NASA, nakuhanan umano ng NASA Hubble ang nasabing galaxy sa konstelasyon na Coma Berenices.
“[NASA Hubble] captures a unique galaxy 17 million light-years away from Earth in the constellation Coma Berenices, known as the ‘Evil Eye,’ with sweeping bands of cosmic dust,” saad ng NASA sa naturang post.
Ayon sa NASA, unang nadiskubre ng mga astronomer ang Evil Eye galaxy noong taong 1799.
“Astronomers know this galaxy by its peculiar internal motion,” anang NASA.
“The gas in the inner and outer regions move in opposite directions, which may be due to a recent galactic merger,” saad pa nito.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagbahagi rin ang NASA ng isa namang animated video ng posible umanong mangyari kapag nagsalpukan ang dalawang supermassive black holes.